Ced/16/MNL
Communication Student
A Gemini



Following

Saludo ako sa mga taong marunong humingi ng tawad

Sa tanda kong ‘to, hindi ko naalala ang sarili ko na humingi ng tawad sa taong naka-alitan ko ng walang naguutos sa akin. Mula elementary hanggang high school, naging lapitin ako ng gulo. Madalas hindi napapatawag ang magulang ko kasi hindi ko na pinapaabot sa ganun kagrabeng posisyon yung problema, madalas pinababayaan ko nalang hanggang sa panahon na yung maghilom ng mga sugat.

Nakakatuwa lang yung mga taong marunong humingi ng tawad, lalo na yung mga alam nilang hindi naman sila yung nang-agrabyado na nauna pero sila yung nauunang humingi ng tawad. Saludo ho ako sa inyo!

Hindi ko alam bakit hindi ko matutunan kung paano “mag-sorry” sabi nung isa kong friend masyado daw kasing mataas yung pride ko, hindi ko daw kaya ibaba. Feeling ko totoo naman yung sinabi niya, pero minsan kasi naiisip ko talaga na wala naman akong ginawang mali, I mean alam kong nasa tama ako bakit ako hihingi ng paumanhin diba? Pero minsan kahit ako na yung nagsimula nung gulo tulad ng sinasabi ko palagi, “Hayaan nalang yan, time heals”

(Source: cedwick)

Leave a comment View 3 Notes
  1. cedwick posted this
fly to Top
Athenability
Design by Athenability
Powered by Tumblr